Tingnan
bg-orb

Consumer Social Intelligence​ Safety and Security Report 2024​

Mga Pangunahing Paksa

Pilipinas    |   01 Oct 2023 - 31 Mar 2024

Payment methods

Pag-Uusap sa Pilipinas Tungkol sa Mga Bank Card

Nagbahagi ang mga social media user ng mga paghahambing sa kaligtasan ng mga credit card at mga debit card, pati na rin ng mga pakinabang ng pag-block at mga pag-iingat laban sa pagbabahagi ng mga detalye sa bangko.

Share of Voice ng Mga Bank Card

N=7.6k

Ipinapakita sa chart na ito ang bilang ng mga post mula sa pangunahing search query kung saan binabanggit ang mga partikular bank card at ang % ng mga pag-uusap na nauugnay sa bawat uri ng card. Kasama ang mga Pag-share/Pag-repost. Ang % ng pagbabago sa dami ay inihahambing sa nakalipas na anim na buwan.

Pagiging Alisto At Mga Diskarte Sa Prebensyon

  • Paghahambing sa Kaligtasan: Mga Credit Card vs. Mga Debit Card​

    Sa mga usapan, mas pinili ang mga credit card para sa kaligtasan, dahil sa palagay nila ay mas madaling i-dispute ang mga singil sa mga credit card. Hindi gaanong diretsahan ang pag-aayos ng mga scam sa mga debit card, lalo na kung nauugnay sa mga savings account.

  • Mga pakinabang ng agad na pag-block ng mga credit card​

    Pinag-usapan ng mga user sa forum ang mga pakinabang ng agad na pag-block ng mga debit card at credit card pagkatapos ng mga hindi awtorisadong transaksyon.

  • Mga babala laban sa pagbabahagi ng mga detalye sa bangko sa pamamagitan ng telepono​

    Binalaan ang mga user sa forum na nag-uusap tungkol sa identity theft laban sa pagbabahagi ng mga detalye sa bangko sa pamamagitan ng telepono at pinayuhang direktang makipag-ugnayan sa mga bangko kung makakatanggap sila ng mga kahina-hinalang kahilingan para sa personal na impormasyon.

  • Maling paggamit ng mga credit card ng mga kaibigan​

    Pinag-usapan ng mga tao ang kahalagahan ng hindi pagpapagamit ng kanilang mga credit card sa kanilang mga kaibigan at nagbahagi sila ng mga kuwento ng maling paggamit ng mga kaibigan sa mga ito.

Ang Sinasabi ng mga Tao

"Mula noong nakompromiso ang debit card ko, hindi ko na ito binitbit. Gumagamit ako ng credit card kahit sa maliliit na transaksyon at binabayaran ko na lang ito kada buwan. Mas madaling i-dispute ang mga singil, at hindi nakakonekta rito ang pera sa bangko."

“Huwag nang mag-alala kapag nawala ang card mo. Mapanatag sa tulong ng aming feature para sa pag-lock/pag-unlock ng debit card. Sa tulong nito, mabilis mong maba-block ang mga transaksyon at ang access sa ATM para maingatan ang account mo kung sakaling mawala ang card mo. I-access ang feature na ito sa pamamagitan ng [pangalan ng bangko] Digital app.”

Pag-uusap sa Pilipinas tungkol sa mga bank card – Mga Uri ng Panloloko

Kasama sa mga umuusbong na scam na pinag-usapan ang health insurance data fraud, mga booking site scam, mga phishing scam sa Facebook, pati na rin mga identity theft scam sa social media.

Share of Voice ng mga Bank Card – Uri ng Panloloko

N=1.4k

Ipinapakita sa chart na ito ang bilang ng mga post mula sa pangunahing search query kung saan binabanggit ang mga partikular na uri ng panloloko sa mga pag-uusap tungkol sa mga bank card at ang % ng mga pag-uusap na nauugnay sa bawat uri ng panloloko. Kasama ang mga Pag-share/Pag-repost. Ang % ng pagbabago sa dami ay inihahambing sa nakalipas na anim na buwan.

Mga Uri ng Scam

  • Health insurance user data fraud​

    Nag-ulat ang isang nangungunang kumpanya ng insurance sa kalusugan ng cyber attack na nagresulta sa pagnanakaw ng mga detalye ng mga customer, kasama na ang impormasyon sa credit card.

  • Mga booking site scam​

    Marami ang nabiktima ng mga holiday scam kung saan tinangay ng mga pekeng online booking site at travel agency ang kanilang pera nang hindi nagpapareserba at pagkatapos ay nag-delete ang mga ito ng kanilang mga social media handle pagkatapos ng panloloko.

  • Mga phishing scam sa Facebook​

    Pinag-usapan ng mga user sa forum ang mga phishing scam sa Facebook kung saan nagpapanggap ang mga scammer bilang mga organisasyon sa mga mapanlinlang na page at nag-aalok ng mga pekeng incentive para magnakaw ng impormasyon ng credit card. Tinalakay nila kung sino ang madaling mabiktima nito at ang kalalaan ng parusa para sa mga scammer.

  • Mga Social Media Scam: Pananamantala sa bugso ng damdamin​

    Sa mga emergency scam, kinokontrol ng mga hacker ang social media account ng biktima para manghingi ng pera sa pamilya at mga kaibigan ng biktima para sa pekeng emergency.

Ang Sinasabi ng mga Tao

"Tinawagan ako ng scammer tungkol sa pag-upgrade/pagpapalit ng credit card at nanghingi siya ng verification. Natunugan kong kahina-hinala iyon at sinabi kong pag-iisipan ko. Pagkatapos ay sinubukan akong madaliin ng scammer at sinabi niyang posibleng mawala ang reward points ko. Ibinaba ko ang tawag. Pagkatapos ay tumawag ako sa [pangalan ng bangko] para kumpirmahin iyon. At tama nga ako, scammer iyon."

“Sa kabutihang palad, sinuwerte kami. Matapos ang masusing imbestigasyon na umabot nang 14 na araw, ni-refund ng XXX Bank ang buong halaga sa credit card ko. Ang gaan sa pakiramdam na naibalik ang pera namin”

Ag-uusap sa Pilipinas Tungkol sa mga Bank Card sa Paglipas ng Panahon, Okt ’23 Hanggang Mar ’24

Ang cyber attack sa kumpanya ng insurance sa kalusugan, pangkaligtasang feature para sa pag-block ng card at mga usapan tungkol sa seguridad sa hindi digital na aspeto ang nagdulot ng pagdami ng pag-uusap ng consumer.

Ipinapakita sa chart ang dami ng pag-uusap kada araw (kasama ang mga pag-share/pag-repost) sa category query na ‘Mga bank card.’ Ginagamit ang visualization na ito para tukuyin ang mga pangunahing kuwento (mula man sa balita o social media) na naghikayat sa mga pag-uusap at interes ng consumer.

Payment methods

Mga Serbisyong Hindi Nauugnay sa Card​

Mga papuri sa mga inisyatiba ng bangko laban sa panloloko online kung saan kasama ang mga campaign para sa kamalayan at ang paglulunsad ng OTP at mga usapan tungkol sa mga kumplikadong phishing scam, pati na rin pagpigil sa panloloko online.

Share of Voice ng mga Serbisyong Hindi Nauugnay sa Card

N=9.6k

Ipinapakita sa chart na ito ang bilang ng mga post mula sa pangunahing search query kung saan binabanggit ang mga partikular serbisyong hindi nauugnay sa card at ang % ng mga pag-uusap na nauugnay sa bawat uri ng serbisyo. Kasama ang mga Pag-share/Pag-repost. Ang % ng pagbabago sa dami ay inihahambing sa nakalipas na anim na buwan.

* Ang online banking ay tumutukoy sa A2A (account to account) transfer gamit ang internet banking
** Ang bank transfer ay tumutukoy sa offline banking

Pagiging Alisto at Mga Diskarte sa Prebensyon

  • Nagbigay-kaalaman ang mga bangko para mapigilan ang panloloko online​

    Sa Christmas campaign ng isang lokal na bangko, binalaan ang mga consumer tungkol sa mga online scam, at sinabihan silang huwag mag-click sa mga link sa mga mensahe mula sa mga hindi mapagkakatiwalaang source sa SMS, mga messenger app, email at social media.

  • Mga kumplikadong phishing scam sa mga email na mukhang opisyal​

    Pinag-usapan ng mga user sa forum ang paggamit ng mga scammer ng mga kumplikadong paraan ng phishing gaya ng mga email na mukhang gawa ng propesyonal na may kalakip na mga mukhang opisyal na PDF file na nanghihingi ng mga personal na detalye at ipinayo nilang huwag magbahagi ng mga personal na detalye nang hindi nakikipag-ugnayan sa bangko.

  • Pag-block ng mga online na transaksyon para sa mga indibidwal na hindi tech-savvy​

    Pinag-usapan ng mga tao na dapat i-block ng mga indibidwal na hindi tech-savvy ang lahat ng online na transaksyon para hindi sila mabiktima ng panloloko online.

  • Papuri para sa paglulunsad ng mga bangko ng OTP para mapigilan ang panloloko online​

    Pinag-usapan ng mga user sa forum ang paglulunsad ng mga lokal na bangko ng OTP para mapigilan ang panloloko online at pinuri nila ang mga hakbang na ginawa ng mga bangko para mapigilan ang panloloko.

Ang Sinasabi ng mga Tao

“Sa lahat ng user ng [pangalan ng bangko] app, maganda bang online banking app iyon? Gusto kong mas mainam na mapamahalaan ang pera ko. Nagta-transfer ako ng pera mula sa [pangalan ng bangko] account ko sa ibang mga bangko para sa savings at mga bill, at namamahalan ako rito”

Email Phishing -“Nakatanggap ako ng email na mukhang lehitimo. Maayos at propesyonal na nakasulat ang nilalaman ng mensahe at may tagubilin na buksan ang "secure" na pdf file at gamitin ang email address ko bilang password nito.”

Pag-uusap sa Pilipinas tungkol sa mga serbisyong hindi nauugnay sa card – Mga Uri ng Panloloko

Pinagtuunan sa mga pag-uusap ang mga kumplikadong diskarte ng mga cyber attack, pekeng website ng bangko sa mga search engine, mga vishing (voice call phishing) scam at panloloko dahil madaling mabiktima ng mga online scam ang nakatatandang henerasyon.

Share of Voice ng mga Serbisyong Hindi Nauugnay sa Card – Mga Uri ng Panloloko

N=1.0k

lpinapakita sa chart na ito ang bilang ng mga post mula sa pangunahing search query kung saan binabanggit ang mga partikular na uri ng panloloko sa mga pag-uusap tungkol sa mga serbisyong hindi nauugnay sa card at ang % ng mga pag-uusap na nauugnay sa bawat uri ng panloloko. Kasama ang mga Pag-share/Pag-repost. Ang % ng pagbabago sa dami ay inihahambing sa nakalipas na anim na buwan.

MGA URI NG SCAM​

  • Mga kumplikadong diskarte sa social engineering ng mga cybercriminal​

    Gumagamit ang mga cybercriminal ng mga kumplikadong diskarte sa social engineering para mahikayat ang mga indibidwal sa pamamagitan ng hindi makatotohanang impormasyon at makumbinsi ang mga ito na mag-download ng mga mapaminsalang app na nagnanakaw ng personal na data.

  • Nagbahagi ang mga biktima ng mga vishing scam ng sensitibong impormasyon​

    Maraming user ang nabiktima ng “vishing” (voice call phishing) at nagbahagi sila ng sensitibong impormasyon gaya ng mga detalye ng bank account at mga password sa mga scammer na nagresulta sa panloloko.

  • Humantong sa panloloko ang mga pekeng website ng bangko sa mga search ad​

    Lumalabas ang mga pekeng website ng bangko na gawa ng mga scammer sa mga ad sa search engine, na dumidirekta sa mga mapaminsalang site at nagreresulta sa financial fraud.

  • Sinasamantala ng scam ang kakulangan ng nakatatandang henerasyon sa kaalaman sa seguridad online​

    Ang kakulangan ng nakatatandang henerasyon sa pag-unawa sa seguridad online ay humahantong sa mga scam. Ganito ang nangyari nang manakawan ang checking account ng isang nanay ng 300k pesos dahil sa online banking fraud.

Ang Sinasabi ng mga Tao

“Ang nanay ko (mga 50 taong gulang) ay hindi tech-savvy at walang online bank. Naubos ang laman ng checking account niya na nagkakahalaga ng 300k… Malamang na isinagawa online ang mga transaksyon… Hindi namin maisip kung paano isinagawa ang mga withdrawal dahil hindi nagalaw at ligtas na nakatabi sa kanya ang chequebook.”

“Hindi lahat ng user ay techie. Kadalasang binibiktima ng mga scammer ang mga hindi techie at nagpapa-install sila ng mga app na baka malware tulad ng mga hindi nakarehistrong ola app o online casino game. Karaniwang hindi sa built-in app store ng Telepono dina-download ang mga iyon, kung kaya, mas maituturing itong panganib sa seguridad.”

Pag-uusap sa Pilipinas tungkol sa mga serbisyong hindi nauugnay sa card sa paglipas ng panahon, Okt ’23 hanggang Mar ’24

Ang pagdami ng pag-uusap ay tungkol sa payo para sa digital na seguridad at sa mga pagsisikap ng bangko na pagandahin ang karanasan ng user at paigtingin ang kaligtasan.

Ipinapakita sa chart ang dami ng pag-uusap kada araw (kasama ang mga pag-share/pag-report) sa category query na ‘Mga serbisyong hindi nauugnay sa card.’ Ginagamit ang visualization na ito para tukuyin ang mga pangunahing kuwento (mula man sa balita o social media) na naghikayat sa mga pag-uusap at interes ng consumer. 

Mga Panloloko/Scam sa Pilipinas na Nauugnay sa mga Cyber Attack, Okt ’23 hanggang Mar ’24

Nag-udyok ang mga alalahanin tungkol sa mga cyber attack sa mga customer ng banking ng pagsusuri ng mga banta sa cyber security sa banking industry sa Pilipinas. 

Mga Cyber Attack Event sa mga bangko sa Pilipinas¹

Mga Pamamaraan ng Cyber Attack sa mga bangko¹

Source: 
  1. Mastercard Cyber Insights Data. Batay sa data para sa Okt 2023 – Mar 2024
  2. Nagsasagawa ang malware ng mga hindi kanais-nais na operasyon gaya ng pagnanakaw ng data o iba pang uri ng pagkompromiso sa computer. Kasama sa ilan sa mga pangunahing uri ng malware ang mga trojan, virus, worm at spyware.
  3. Nakatuon ang mga attack pattern sa kategoryang ito sa pagmamanipula at pananamantala ng mga tao sa interpersonal na level. Ang mga halimbawa ng attack ay Panunuhol, Paghingi ng Impormasyon, Pangingikil, at Impluwensya.
  4. Nakatuon ang mga attack pattern sa kategoryang ito sa pagmamanipula at pananamantala ng mga tao gamit ang mga e-mail.
  5. Kasama sa Iba Pa ang ransomware, web phishing, injection, command and control, denial of service, persistence techniques, atbp.


Ang mga cyber attack ang pinakapinag-usapan bilang laganap na uri ng panloloko​

  • Nagkaroon ng 362 attack sa kabuuan noong Okt 2023-Mar 2024 sa mga bangko sa Pilipinas, at 63% sa mga ito ang isinagawa sa pamamagitan ng malware, pretexting at email phishing.

  • Sa lahat ng usapan tungkol sa uri ng panloloko para sa Mga Bank Card at mga serbisyong Hindi Nauugnay sa Card, ~ 62% ang nauugnay sa mga cyber attack (45% sa mga bank card, 85% sa mga serbisyong hindi nauugnay sa card).  82% ng mga usapan tungkol sa cyber attack sa ilalim ng mga serbisyo sa bank card ay nauugnay sa mga credit card, habang 40% ng mga usapan tungkol sa cyber attack sa ilalim ng mga serbisyong hindi nauugnay sa card ay may kinalaman sa Online Banking.

  • 20% ng mga cyber attack ay matatagpuan sa balita online at pangunahing iniuugnay sa mga attack sa mga banking institution at infrastructure. Kadalasan, gumagamit ang mga attack na ito ng panloloko na napakakumplikado, sa pamamagitan ng pagkompromiso o pagpapanggap bilang mga organisasyon at negosyo.

Pinakamahuhusay na kagawian na maaaring gamitin ng mga bangko para mapaganda ang mga cyber control:​

  • Gumawa ng matatag na cyber security culture sa pamamagitan ng pagpapabuti sa kamalayan at programa para sa pagsasanay.
  • Kunin, subaybayan at suriin ang impormasyon para magkaroon ng cyber intelligence para makagawa ng mga pasya sa seguridad na nakabatay sa impormasyon at data.
  • Gumawa ng programang magbibigay-daan sa iyong pamahalaan at subaybayan ang iyong mga kritikal na third party para maiwasang makapinsala sa iyo ang pinsalang nararanasan ng mga ito.
  • Mainam na pamamahala ng mga patch at vulnerability.

Kumuha ng higit pang Impormasyon

Kumuha ng higit pang Impormasyon

Your message sent successfully!

Message Submitted!

We'll get back to you promptly with a response.