KALIGTASAN AT SEGURIDAD
Consumer Social Intelligence Safety and Security Report 2024
Pilipinas | 01 Oct 2023 - 31 Mar 2024
Ano ang bago sa report na ito?
Habang patuloy na nagbabago ang aming report tungkol sa kaligtasan at seguridad, nasasabik kaming inanunsyo ang ilang mahalagang pagpapahusay kumpara sa mga report noong 2023.
Ang seksyong Cyber security ay naglalaman ng mga insight tungkol sa mga cyber threat at mga epektibong pamamaraang pangkaligtasan
Ipinapaunawa ng seksyong ito sa mga issuer ang mga cyber threat, na nagbibigay-daan sa kanilang bawasan ang mga panganib at strategic na magplano para sa mas pinaigting na pamamaraang panseguridad. Ginagamit ang Mastercard Insight Platform bilang source para ibigay sa mga issuer ang impormasyon tulad ng kabuuang bilang ng mga attck, uri ng mga attack, atbp.
Pinalawig sa 6 na buwan ang yugto ng panahon ng pagsusuri na dating 3 buwan
Sa tulong ng pinalawig na yugto ng panahon ng pagsusuri, mas kumprehensibo ang pag-unawa sa mga trend kung kaya’t ang pangmatagalang pattern ang nasusuri sa halip na ang mga panandaliang fluctuation lang ang pagtutuunan. Bukod pa rito, tinitiyak ng pinalawig na panahon na mas maliit ang tsansa na maging paulit-ulit ang mga scam na pag-uusapan.
Binago ang structure ng content para mabawasan ang pag-uulit ng mga scam
Binago namin ang structure ng proyekto para pagtuunan ang mga bank card at mga aspetong walang kinalaman sa bank card para mapaliit ang posibilidad na maulit ang mga scam sa mga seksyon.
Paraan ng
Pananaliksik
Mga online na pag-uusap tungkol sa Kaligtasan at Seguridad
Facebook
Blogs
Forums
Instagram
X (Twitter)
News Sites
Reddit
BAGO
Mastercard Cyber Insights
Strategic na assessment at pagsusuri sa cyber threat landscape.
Pagtukoy ng mga trend ng cyber threat kada rehiyon, industry, segment at business asset.
Dami ng
Data
Ang mga pag-uusap ng consumer sa dami ng mga mention
14.9k mentions
tungkol sa kaligtasan at seguridad ng digital na pagbabayad ang nakalap para sa mga card at mga serbisyong hindi nauugnay sa card.
Laktawan
Mga online na pag-uusap tungkol sa Kaligtasan at Seguridad
Blogs
Forums
X (Twitter)
News Sites
Mastercard Cyber Insights
Strategic na assessment at pagsusuri sa cyber threat landscape.
Pagtukoy ng mga trend ng cyber threat kada rehiyon, industry, segment at business asset.
Dami ng
Data
Ang mga pag-uusap ng consumer sa dami ng mga mention
14.9k mentions
tungkol sa kaligtasan at seguridad ng digital na pagbabayad ang nakalap para sa mga card at mga serbisyong hindi nauugnay sa card.
Mga Pangunahing Paksa
Gumawa ng mga karagdagang paksa para pagtuunan ang mga partikular na aspeto ng mga pag-uusap tungkol sa kaligtasan at seguridad. Ang mga sumusunod ang mga paksang pinili para sa mas detalyadong pagsusuri.
Pinaghiwa-hiwalay ang mga pag-uusap sa mga category at subcategory batay sa mga pangunahing paksang pinag-uusapan para padaliin ang pagsusuri ng mga trend at pangunahing tema.
-
1. Mga bank card
-
2. Mga uri ng panloloko (mga bank card)
-
3. Mga serbisyong hindi nauugnay sa card
-
4.Mga uri ng panloloko (mga serbisyong hindi nauugnay sa card)
-
5. Mga panloloko/scam na nauugnay sa mga cyber attack
Kasama ang mga pag-uusap kung saan may binabanggit na mga partikular na bank card.
Mga Subcategory: Mga Credit Card, Debit Card, Prepaid Card.
Kasama ang mga pag-uusap na nauugnay sa karaniwang panlolokong may kinalaman sa card.
Mga Subcategory: Cloning, Identity theft/phishing, Nawala/nanakaw, Iba pa
Kasama ang mga pag-uusap na nauugnay sa mga partikular na serbisyong hindi nauugnay sa card.
Mga Subcategory: Online Banking, Digital Wallet, Bank Transfer, Loan.
Kasama ang mga pag-uusap na nauugnay sa karaniwang panlolokong may kinalaman sa mga serbisyong hindi nauugnay sa card.
Mga Subcategory: Malware, one-time-password (OTP) fraud, Identity theft/phishing, Iba pa.
Kasama ang mga pag-uusap tungkol sa panloloko/scam na nauugnay sa mga cyber attack at mga insight mula sa internal platform ng MC na nagpapakita ng mga trend ng mga cyber attack sa banking industry.
Kumuha ng higit pang Impormasyon
Message Submitted!
We'll get back to you promptly with a response.
Pormularyo ng Feedback
CONSUMER SOCIAL INTELLIGENCE SAFETY AND SECURITY REPORT 2024
Upang malaman pa ang tungkol sa Social Intelligence o mga kagustuhan at gawi ng consumer sa mga paraan ng pagbabayad, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong kinatawan sa Mastercard
©
2024 Report
Alamin ang kasalukuyang kalakaran sa lipunan na nakakaapekto sa quarter ng Safety And Security.
Disclaimer:Naglalaman ang dokumentong ito ng non-binding na mga tuntunin at kundisyon para sa posibleng kasunduan sa pagitan ng inyong organisasyon (“Kumpanya”) at ng Mastercard. Hindi ito alok o commitment ng Mastercard na makipagnegosasyon o makipagkasundo batay sa mga tuntuning inilalarawan sa dokumentong ito. Maaaring umatras ang Mastercard at/o Kumpanya sa mga usapan anumang oras nang walang pananagutan o iba pang obligasyon sa kabilang panig, maliban kung hindi mapapanatali ang pagkakumpidensyal ng dokumentong ito at mga nilalaman nito. Ang mga pinal na tuntunin ng anumang kasunduan, kasama ang mga karagdagang standard na tuntunin at kundisyon, sa pagitan ng Kumpanya at ng Mastercard ay ipapaloob sa kongklusibong kasunduan na sinang-ayunan at nilagdaan ng awtorisadong kinatawan ng Kumpanya at ng Mastercard.
Ang impormasyon sa dokumenting ito ay kumpidensyal at pagmamay-ari ng Mastercard at hindi maaaring isiwalat sa anumang third party o gamitin ng Kumpanya o mga affiliate nito para sa anumang layunin maliban sa suriin ang mga tuntunin at kundisyon ng negosyo ng posibleng kasunduang inilalarawan sa dokumentong ito. Ang impormasyon sa dokumentong ito o sa anumang report o deliverable mula sa Mastercard kaugnay ng posibleng kasunduan na nauugnay sa inaasahang epekto sa financial performance ng Kumpanya, o ng mga resultang posibleng asahan ng Kumpanya ay mga pagtatantya lang. Hindi iginagarantiya na makakamit ang alinman sa mga pagtataya, pagtatantya o inaasahang ito, o walang pagkakamali sa pagsusuring ibinigay