Consumer Social Intelligence Safety and Security Report 2024​

Mga Pangunahing Oportunidad

Pilipinas    |    01 Oct 2023 - 31 Mar 2024

girl looking laptop
 

1. Ipagbigay-alam sa mga customer ang mga biglaan at walang dahilang tawag sa telepono at ang paalala kaugnay ng mga patakaran ng mga bangko tungkol sa mga tawag at paghiling ng impormasyon​

Matutugunang Insight:

Maraming beses na lumitaw ang tema ng kamalayan sa mga biglaan at walang dahilang tawag mula sa mga bangko at financial institution. Nag-post ang isang financial company ng Christmas-themed na cash giveaway sa Facebook at humingi ito ng mga komento tungkol sa pagiging alisto laban sa mga finance scam kung saan nagbahagi ang mga tao tungkol sa pag-iwas sa mga tawag mula sa mga hindi kilalang numero. Sa mga usapan tungkol sa identity theft, nagbahagi ang isang customer ng isang bangko ng karanasan sa scam call tungkol sa pekeng pag-upgrade ng credit card. Nagbabala ang isang bangko laban sa “vishing” (voice phishing, 200 comment) at nagkomento ang mga tao roon tungkol sa sarili nilang mga karanasan.

Rekomendasyonr:

Maaaring magsagawa ang mga bangko ng email marketing at mga social media campaign para ipaalam sa lahat ng customer nila ang tungkol sa "vishing."  Maaaring magsagawa ng karagdagang pagsusuri para malaman kung mas madalas nang ginagamit ang salitang "vishing” at dapat na itong gamitin nang malawakan sa content. Bukod pa rito, maaaring gamitin ng mga bangko ang sarili nilang social channel para mag-post ng sarili nilang mga quiz, tulad ng Christmas-themed na halimbawa para mas maunawaan ang kamalayan ng sarili nilang mga customer sa kaligtasan at seguridad.  Maaaring pagtuunan sa content ang mga diskarteng ginagamit ng mga scammer kapag nakikipag-usap sa telepono. Dapat ay maipaalam din sa mga customer kung ano ang sasabihin o hindi sasabihin o itatanong ng sariling mga representative ng bangko sa mga natatanggap na tawag sa telepono. Dapat ay magabayan din ng content ang mga customer sa mga hakbang na dapat gawin kung pinaghihinalaan nilang mapanlokong tawag sa telepono ang nasagot nila.

 
family

Pangunahing Mensahe​

Mga biglaan at walang dahilang tawag sa telepono mula sa mga financial institution – paano maiwasang ma-scam sa telepono. 

 

Audience​

Lahat ng customer ng bangko at financial institution na maaaring puntiryahin ng mga scam na ito.

 

Mga Iminungkahing Aksyon

May pagkakataon ang mga bangko at financial institution na ipaalam sa mga customer nila kung paano tukuyin ang mga mapanlokong tawag sa telepono. Maaari din silang magbigay ng gabay sa kung ano ang dapat gawin ng mga consumer kung may pinaghihinalaan silang scam o kung nabiktima sila nito.

Kumuha ng higit pang Impormasyon

Kumuha ng higit pang Impormasyon

Your message sent successfully!

Message Submitted!

We'll get back to you promptly with a response.